6 golfers papalo sa APGC sa HK

MANILA, Philippines - Anim na senior golfers ang ipadadala ng Pilipinas para sumali sa Asia-Pacific Golf Confederation (APGC) Senior Amateur Golf Championship sa Hong Kong.

Ang mga dating pambato ng Pambansang koponan na sina Eduardo Bagtas, David Hernandez, Rolando Viray, Rudy Amata, Abraham Avena at Edgar San Luis ang mga ipinatala ng National Golf Association of the Philippines (NGAP) sa hangaring tagumpay sa kompetisyong gagawin mula Nobyembre 19 hanggang 22.

Nakikita ni NGAP president Carlos Coscolluela Jr. na kayang makapagbigay ng karangalan ang mga nabanggit dahil aktibo pa sila sa paglalaro.

Gagawin ang laro sa Discovery Bay Golf Club sa Lantau Island at ang mga napapaborang koponan ay ang New Zealand, Australia at Hong Kong.

Ang labanan ay gagawin sa iba’t ibang age ca­tegories bukod sa team championship.

Ang delegasyon ay aalis sa Nobyembre 15 upang magkaroon ng sapat na araw para mapag-aralan ang golf course.

Show comments