Arayi kumpiyansang mapapalakas ang PBL

MANILA, Philippines – Sa kabila ng kawalan ng malaking sponsor ay kumpiyansa pa rin si da­ting national team member Nerenciana Arayi na mapapalakas niya ang Pinay Ballers League (PBL)

Sinabi ni Arayi na may mga kaibigan siyang tumutulong sa kanya para sa pagsasagawa ng PBL, magsisimula sa Nobyembre 8 sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang dalawa sa mga nalapitan na ni Arayi ay sina Ateneo superstar Kiefer Ravena at PBA player Ken Bono.

May tig-siyam na kopo­nan sa elite at developmental divisions ng PBL, ayon kay Arayi, dating UAAP MVP ng Adamson Lady Falcons.

Ang mga koponang ka­bilang sa elite division ay ang PNP, Air Force, Army, Kairos, UAAP Alumni, FEU Alumni, NU Alumni at University of Makati.

Sinabi ni PBL Commissioner Anthony Sulit na ang format ay single-round robin patungo sa cross-over semis at finals.

Gagawin din ang ibang laro sa University of Makati.

 

Show comments