Grizzlies hiniya ang Hornets

CHARLOTTE, N.C. – Umiskor si Marc Gasol ng 22 points, samantalang nag-ambag si Zach Randolph ng 12 points at 12 rebounds para ihatid ang Memphis Grizzlies sa 71-69 panalo laban sa Hornets sa NBA.

Sinabi ni Gasol na dapat gumanda ang opensa ng Grizzlies, naglaro nang wala si Courtney Lee, kung gusto nilang manalo nang tuluy-tuloy.

Tinalo nila ang Hornets sa kabila ng masamang 36 per­cent fieldgoal shooting.

“It wasn’t pretty,’’ sabi ni Gasol. “It felt like a quarter was missing. But we’ll take the win.’’

Ang Hornets (1-1) ay pinangunahan ni Al Jefferson sa kanyang 19 points at nagtala si Michael Kidd-Gilchrist ng 11 points at 12 rebounds, ngunit ang kanilang malaking free-agent acquisition na si Lance Stephenson ay may 2 points lamang at hindi naglaro sa fourth quarter.

Si Stephenson ay binigyan ng Charlotte ng  $27 million, three-year contract sa offseason.

Sa Philadelphia, humakot si Chris Bosh ng 30 points at 8 rebounds at may 20 markers si Mario Chalmers para pamunuan ang Miami Heat sa 114-96 panalo laban sa Philadelphia 76ers.

Nagdagdag si Dwyane Wade ng 9 points at 10 assists para sa ikalawang panalo ng Heat.

Show comments