^

PSN Palaro

Azkals hiniya ang Nepal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagseryoso ang Philippine Azkals sa second half para hawakan ang 3-0 panalo sa Nepalese booters sa friendly match noong Biyernes ng gabi sa Grand Hamad Stadium sa Doha, Qatar.

Sina Simon Greatwich (49th), Phil Younghusband (90+1) at Mark Hartmann (90+3) ang mga gumawa para sa bisitang koponan upang maduplika ang 3-0 ding panalo sa Nepal noong Abril 12 sa nasabing bansa.

Ang goal  ni Hartman ay kanyang ikapito ngayong taon  na  ito upang patunayan na tama lang ang break na ibinigay sa kanya ni US-German Azkals coach Thomas Dooley nang kunin sa Pambansang koponan

Si Greatwich na ipinasok lamang sa second half, ay nakabutas sa unang pagkakataon sa kanyang international career na nagsimula noong 2008 habang ito ang 39th goal ng 27-anyos striker na si Younghusband.

Naglaro rin sa unang pagkakataon para sa Pambansang koponan si Fil-Spanish Alvaro Silva.

Nasa Doha ang koponan para sa training camp at inaasahang may lalahukan pang international friendly matches para pagtibayin ang paghahanda sa 2014 ASEAN Football Federation Suzuki Cup na magbubukas na sa Nobyembre 22.

Nasa Group A ang Pilipinas at maglalaro sa Vietnam. Bukod sa host country, ang Laos at  Indonesia ang mag­kakasama sa grupo habang ang Malaysia, Thailand, Myanmar at host Singapore ang nasa Group B.

Hangad ng Pilipinas na mahigitan ang pagtapak sa semifinals noong 2012 edisyon. (ATan)

 

FIL-SPANISH ALVARO SILVA

FOOTBALL FEDERATION SUZUKI CUP

GERMAN AZKALS

GRAND HAMAD STADIUM

GROUP B

MARK HARTMANN

NASA DOHA

NASA GROUP A

PAMBANSANG

PHIL YOUNGHUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with