NSAs pinaghahanda ng POC para sa 2015 SEA Games

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay pinaghahanda na ng Phi­lippine Olympic Commit­tee (POC) ang mga National Sports Associations (NSAs) para sa 28th South­east Asian Games sa Singapore sa susunod na taon.

Hinikayat kahapon ni POC president Jose Cojuangco ang mga NSAs na magsagawa ng scouting sa kanilang mga makakalaban sa 2015 Singapore SEA Games.

“When they come up with the list of their athletes going to Singapore, we want them to also come up with the list of their poten­tial opponents,” wika ni Co­juangco.

Idinagdag ng POC chief na may mga pagkakataon na hindi alam ng Filipino ath­lete ang kanilang mga ma­kakatapat sa isang event.

“They must know their op­ponents well,” sabi ni Co­juangco.

Sinabi naman ni chef-de-mission Julian Camacho ng wushu federation na may ka­buuang 36 sports at 402 events na nakahanay sa 2015 Singapore SEA Games.

Hangad ng bansa na mapaganda ang tinapos na pang-pitong puwesto sa nakaraang biennial event na idinaos sa Myanmar no­ong 2013.

“If we climb two or three notches higher we will be happy. We can even think of winning the overall title. Why not? We must aim high,” wika ni Camacho.

 

Show comments