PARIS -- Dumaan muna sa butas ng karayom si Roger Federer bago talunin si local favorite Jeremy Chardy, 7-6 (5), 6-7 (5), 6-4, patungo sa third round ng Paris Masters.
Pinalakas ng 17-time Grand Slam champion na si Federer ang kanyang tsansang makamit ang No. 1 ranking bago matapos ang taon.
Nauna nang tinalo ni Chardy si Federer sa clay court sa Rome Masters bago ang kanilang ikalawang paghaharap ngayong taon.
Ginamit ni Federer ang kanyang crosscourt forehand para talunin si Chardy sa third set.
“Chardy has made it hard for me in the past. I thought it could be tough, and it was,” sabi ni Federer, lalabanan si Frenchman Lucas Pouille sa third round. “As the match went longer, the better I actually started to play and created more opportunities.”
Sumabak ang 33-anyos na si Federer sa Paris Open na may 12-match winning streak at nagkampeon sa mga torneo sa Shanghai at Basel.