MP Hotel at Cagayan nagtala ng unang panalo sa D-League

Sinagasaan ni guard Mike Tolomia ng MJM Builders ang depensa ni Abel Galliguez ng Cagayan sa aksyon sa PBA D-League kahapon. (PBA Images/Nuki Sabio)  

MANILA, Philippines - Lumabas ang bangis ng MP Hotel Warriors para ma­kuha ang panalo, habang nakatikim kaagad ng panalo ang Cagayan Valley Rising Suns sa PBA D-League Aspirants Cup ka­hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kumawala ng puntos ang Warriors sa ikalawang yugto para alisan ng tapang ang Wangs Basketball para sa kanilang 87-70 panalo.

Hindi inakala na ganito ang ilalaro ng koponan ni Manny Pacquiao lalo pa’t galing ang tropa sa 59-86 pagkakapahiya sa Café France Bakers, habang ang Wangs ay nagpasikat sa 96-78 dominasyon sa AMA University Titans sa pag­bubukas ng liga noong Lunes.

Nagtala ng 10 points si Jhon Rey Sumido sa ikalawang yugto.

Hindi nakasama ng Ri­sing Suns ang kanilang top rookie pick na si 6-foot-7 Moala Tautuaa pero hindi ramdam ito ng koponan dahil sa magandang ipinakita ni 6’4 Michael Mabulac patungo sa 94-86 panalo sa unang laro.

Ang Jose Rizal center ay may double-double na 20 points at 13 rebounds, habang sina Alex Austria, Don Trollano at Adrian Celada ay tumapos taglay ang 13, 12 at 12 markers para makasalo ang Rising Suns sa unang puwesto kasama ang Ba­kers at Gems.

Cagayan Valley 94 – Ma­bulac 20, Austria 13, Trollano 12, Celeda 12, Melano 9, Flores 7, Dilay 6, Tayongtong 6, Galli­guez 5, Mag-isa 4.

MJM Builders 86 – To­lomia 15, Perez 13, Alo­lino 13, Jose 12, Jave­lona 10, Khobuntin 7, Iñigo 7, Mendoza 6, Cruz 2, Pogoy 1.

Quarterscores: 26-24; 51-42; 75-62; 94-86.

MP Hotel 87 – Sumido 14, Collado 13, Pacquiao 11, Allen 9, McCarthy 9, Morillo 9, Escosio 6, Yaya 4, Blanco 4, Belorio 3, Calo 2, Bulac 2, Landicho 1, Hainga 0.

 Wangs Basketball 70 – Acosta 10, Montuano 9, Juico 8, Mendoza 8, Pontejos 7, Miranda 7, Arambulo 6, Acidre 5, Importante 4, Rosopa 4, Acuña 2, Ferrer 0, Vijandre 0, Lina 0.

 Quarterscores: 14-13; 42-28; 61-48; 87-70.

Show comments