^

PSN Palaro

Wangs magsosolo sa tuktok vs Warriors

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Arena, Pasig City)

12 nn Cagayan Valley

vs MJM Builders-FEU

2 p.m.  Wangs Basketball vs MP Hotel

4 p.m.  Bread Story-LPU

vs Jumbo Plastic

 

MANILA, Philippines - Kakalas ang Wangs Basketball sa three-way tie sa unahan habang ma­kikilatis ang lakas ng Cagayan Valley Rising Suns at Jumbo Plastic Linoleum sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Arena sa Pasig City.

Kasalukuyang magkakasalo ang Wangs, Cafe France Bakers at Cebuana Lhuillier Gems sa unang puwesto sa 1-0 karta matapos magsipanalo sa  ope­ning ng liga noong Lunes.

Haharapin ng Wangs, inilampaso ang AMA UniversityTitans, 96-78, ang talunan sa opening day na MP Hotel Warriors sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon.

“Hindi tulad sa hu­ling pagsali namin, mas kumpleto ang line-up nga­yon dahil may shooters, point guards at big men kami,” wika ni Lucas.

Kung mapapatotoha­nan nila ito ay malalaman kontra sa Warriors na nais na bumangon matapos ang 59-86 pagkadurog sa kamay ng Bakers.

Samantala, ipakikita ng Rising Suns at Giants ang bagong puwersa sa pag-asinta ng panalo sa magkahiwalay na laro.

Katunggali ng Cagayan ang MJM Builders-FEU sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang Jumbo Plastic ay masusukat sa Bread Story-Lyceum sa alas-4 ng hapon.

vuukle comment

BREAD STORY

BREAD STORY-LYCEUM

CAFE FRANCE BAKERS

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

JUMBO PLASTIC

PASIG CITY

WANGS BASKETBALL

YNARES ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with