Murray gustong makalaro ng golf si Pacman

MANILA, Philippines - May dalawang magandang dahilan si Wimbledon champion Andy Murray ng Scotland para bumisita sa Manila sa susunod na buwan.

Una, ang may-ari ng 13 Grand Slam titles ay maglalaro para sa Manila Mavericks sa International Premier Tennis League (IPTL) leg sa Mall of Asia Arena sa Nobyembre 28-30.

Ang ikalawa, gusto ni Murray na makilala si Fi­lipino boxing icon Manny Pacquiao.

“It’s a very special request  because Andy Murray is a huge boxing fan,” sabi ni IPTL  chief opera­ting officer Eric Gottschalk kahapon.

“That’s why we’ve invi­ted Manny Pacquiao and his friends. He (Murray) requested to us if it’s possi­ble if  we could reach out to him (Pacquiao),” dag­dag pa ni Gottschalk.

Ang 27-anyos na si Murray ang ikaanim na player sa tennis history na nanalo ng higit sa $30 milyon sa prize money at maaaring makipaglaro ng golf sa kanyang boxing idol na si Pacquiao.

“That’s the other thing. I’m sure they will arrange that,” ani Gottschalk. (AC)

Show comments