^

PSN Palaro

Pinoy triathletes masusukat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusukat nang husto ang mga triathletes na sasali sa Yellow Cab Challenge CamSur internatio­nal triathlon sa Hunyo 14, 2015.

Ang race course na gagamitin sa CamSur ay isang fast course pero tatagaktak ang pawis ng mga lalahok dahil walang mga punong maaaring sandalan na magpapa­lamig sa panahon lalo na kung nasa bike at run na ang isang triathlete.

Si Camarines Sur Gov.Migz Villafuerte kasama  si dating Gobernador LRay Villafurete ang nagsusog para sa kanilang lugar isa­gawa ang international event na ito lalo pa’t kilala ang CamSur sa galing sa pag-hosting ng mga events.

Inilunsad ito kamakailan at dumalo rito sina David Voth ng Leverage Sports Asia na siyang race organizer, Roy Quejada, CEO ng sponsor na Yellow Cab Pizza, pro triathlete at Challenge Ambassador Michael Murphy at lahat ay nasasabik sa magaganap na kompetisyon.

Noong nakaraang taon binuksan sa bansa ang Challenge Philippine Triathlon at ginawa ito sa Subic Bay Freeport at umabot sa 739 triathletes mula sa 38 bansa ang sumali.

 

vuukle comment

CHALLENGE AMBASSADOR MICHAEL MURPHY

CHALLENGE PHILIPPINE TRIATHLON

DAVID VOTH

LEVERAGE SPORTS ASIA

MIGZ VILLAFUERTE

ROY QUEJADA

SI CAMARINES SUR GOV

SUBIC BAY FREEPORT

YELLOW CAB CHALLENGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with