Pacquiao kumpirmadong lalaro sa PBA opening
MANILA, Philippines – Tuloy na tuloy na ang pagiging playing coach ni Manny Pacquiao para sa koponan ng KIA Sorento, kung saan sasalang agad sila sa opening ng season 40 ng PBA sa Philippine Arena sa Bulacan sa makalawa.
“That’s confirmed. He’ll do sparring (Friday) then flies to Manila. (Boxing trainer) Freddie Roach has allowed Manny to play,” paliwanag ni Eric Pineda, Kia Sorento team manager at business manager ng boksingero.
Sa kabila ng kanyang paghahanda para sa nalalapit na laban kay Chris Algieri sa Nobyembre sa Macau, pumayag ang trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach na maglaro ang eight-division champion sa PBA, kung saan hindi siya pinababayaan ng kanyang coaching staff.
“We’re sending him videos and he knows the plays. He has high basketball IQ. His inputs (on plays) are all right,” wika ni Kia chief assistant coach Glenn Capacio.
Nauna nang sinabi ni Roach na isang minuto lamang pwede maglaro si Pacquiao, pero kung si Capacio ang tatanungin ay nakapende ito sa kanilang head coach.
“He’s the playing coach. It’s up to him. He also decides whether he starts or comes off the bench. Of course, we’ll be there to assist him.”
Si Jinkee Pacquaio ang babandera bilang muse ng Sorentos,' habang hindi naman matiyak kung makadadalo si Roach sa Linggo.
- Latest