^

PSN Palaro

Phl Azkals hiniya ang Papua New Guinea

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sapat ang ginawa ng Philippine Azkals sa first half para durugin ang bisitang Papua New Guinea sa friendly match na ginawa noong Linggo ng gabi sa Rizal Memorial Football stadium.

Gumawa ng apat na goals si Mark Hartmann habang isa ang iniambag ni Phil Younghusband para sa limang goals sa first half na siya rin naging score sa kabuuan ng laro (5-0).

Walang naging problema ang paglalaro ng walang foreign players ang home team dahil tila isang bagitong koponan lamang ang Azkals sa ipinakita nila sa laro.

Ilang beses na nawala ang bola sa kanilang pag-atake habang hirap na hirap ang kanilang goalkeeper na si Albert Mesulam na pigilan ang mga opensa ng Azkals.

Ito ang unang laro ng Azkals matapos ang nabigong kampanya na mapanatiling suot ang titulo ng Philippine Peace Cup noong Setyembre sa artificial pitch sa Rizal Memorial Sports Complex.

Natalo ang Azkals sa Myanmar, 3-2, sa one-game finals noong Setyembre 6.

Ang apat na goals ng 22-anyos na si Hartmann ay nag-akyat sa anim sa kanyang international goals. Ang unang dalawa ay nakuha niya sa laro laban sa Chinese Taipei sa Peace Cup.

Ito naman ang ika-38th international goal ng 27-anyos na si Younghusband.

Ang larong ito ay ginagamit ng koponan ni coach Thomas Dooley bilang bahagi ng tune-up para sa pagsali sa AFC Suzuki Cup na gagawin sa Singapore at Vietnam.

Ang Group Stage ay nakatakda mula Nobyembre 22 hanggang 28 at ang Pilipinas ay lalaro sa Group A sa Vietnam at makakasama ng host country, Indonesia at ang papangalawa sa isinasagawang qualification sa Laos. (AT)

vuukle comment

ALBERT MESULAM

ANG GROUP STAGE

AZKALS

CHINESE TAIPEI

GROUP A

MARK HARTMANN

PAPUA NEW GUINEA

PEACE CUP

PHIL YOUNGHUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with