Carrera, Benitez inangkin ang Petron beach volley title

Tinanggap nina Melanie Carrera (kaliwa) at Cindy Benitez (gitna) ng Panga­sinan ang 2014 Petron Ladies’ Bech Volleyball championship trophy mula kay University of the East Chancellor Zosimo Battad (kanan).

MANILA, Philippines – Inangkin nina Melanie Carrera at Cindy Benitez ng OPangasinan ang korona ng ikaapat at final leg ng 2014 Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament sa sand-courts ng Universi­­ty of the East-Kaloocan cam­pus.

Ito ay matapos nilang bi­­guin sina University of the East standouts Krycel Cueva at Francisclyn Cais, 21-13, 21-19, sa kanilang best-of-three finals showdown.

Ito ang unang korona ni Carrera sa torneo matapos matalo sa second leg noong 2012 season katam­bal si Cassandra Lleda laban kina Benitez at Jennifer Manzano.

Nauna nang umabante sina Carrera at Benitez sa finals matapos talunin ang mga kababayan at kambal na sina Jeziela at Nieza Vi­ray, 21-9.

Tinalo nina Cais at Cueva sina Shirley Martinez at Lourdes de la Cruz, 21-11, ng Marikina sa semifinals.

Show comments