Laban sa kanilang mga karibal sa ‘Clash Of Little Titans’ Loreto, Dapudong at Cuello umiskor ng KO win

MANILA, Philippines – Tinalo nina Rey Loreto, Edrin Dapudong at Denver Cuello ang kani-kanilang mga karibal noong Sabado ng gabi sa Almendras Gym sa Davao City.

Tiniyak ng tatlong Filipi­no boxers na ang “Clash of Little Titans” na itinanghal ng Sonshine Sports Ma­nage­ment ay magiging pu­no ng aksyon ang nasabing boxing card.

Sa harap ng kanyang mga kababayan, pinabagsak ni Loreto si Indonesian Heri Amol sa seventh round upang mapanatiling suot ang kanyang International Bo­xing Organization junior flyweight crown.

Marami ang nag-abang sa pagbabalik ni Loreto sa naturang gymnasium kung saan lumaban siya noon ng mga four-round bouts.

Ang 23-gulang na si Lo­reto ay magtutungo sa South Africa sa Disyembre pa­ra sa kanilang rematch ni Nkosinathi Joyi na kanyang inagawan ng korona noong Peb­rero.

Sinabi ni Sonshine Sports Management point man Manny Piñol na deter­minado si Loreto na patu­na­yang hindi lang tsamba ang kanyang impresibong panalo sa South African figh­ter.

Ayon kay Pastor Apollo Quiboloy, ang utak ng Sonshine Sports, nais nilang su­portahan ang boxing, golf, volleyball, motocross at drag racing.

Nagpapatayo si Quibo­loy ng malaking worship ve­nue sa Davao City, ang 75,000-seat King Dome, na inaasahan niyang ma­giging lugar ng malalaking sports events kagaya ng PBA games at posibleng ang isang laban ni Manny Pac­quiao sa 2016.

Dumating si Davao City Mayor Rodrigo Duterte pa­ra sumuporta sa naturang paboksing.

Pinatumba naman ni Da­pudong, ang IBO super flyweight champion, si Wi­sanlek Sithsaithong ng Thail­and sa fifth round.

Pinabagsak din ni Cuello, nagbabalik sa aksyon ma­tapos magpahinga ng isang taon, si Jaipetch Chai­­yongym ng Thailand sa seventh round.

Show comments