^

PSN Palaro

Letran pinigil ang St. Benilde

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binigo ng Letran ang plano ng St. Benilde na ma­kahirit ng playoff para sa puwesto sa Final Four sa 64-57 panalo sa pagtatapos ng 90th NCAA men’s basketball elimination round kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Lumabas ang karanasang nakuha ng Knights buhat sa dalawang sunod na pagtapak sa cham­pionship sa endgame para maisantabi ang pagkawala ng 17 puntos kalamangan, 37-20, at tapusin ang kinapos na kampanya sa 9-9 baraha.

Dumikit hanggang sa dalawang puntos ang Bla­zers, 55-57,  pero nasa­yang ang kanilang paghihi­rap dahil nasundan ito ng 4 na errors nang minadali ang opensa sa hangaring maitabla o makuha ang kalamangan.

Kapos ang St.Benilde ng isang panalo para ma­kigulo sa Jose Rizal at Perpetual Help na umusad na sa Final Four sa 12-6 karta.

Magkakaroon pa rin ng playoff ang Heavy Bom­bers at Altas pero ito ay para sa ikatlong puwesto.

Kinapitalisa ng Lyceum Pirates ang wala sa focus na Arellano Chiefs para gulatin ito sa 101-96 panalo sa ikalawang laro.

Ang pagkatalo ay nagresulta para magtabla uli ang Chiefs at four-time defending champion San Beda sa unang puwesto sa 13-5 baraha.

Dahil dito, ang dalawang koponan na may twice-to-beat advantage sa Final  Four ay magtutuos pa upang malaman kung sino ang hahawak sa unang puwesto sa pagtatapos ng eliminasyon.

ARELLANO CHIEFS

FINAL FOUR

HEAVY BOM

JOSE RIZAL

LYCEUM PIRATES

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with