Phl Army raratsada

Hinatawan ni Mary Jean Balse ng Army sina Thai import Wanida Kotruang at Maureen Penetrante-Ouano ng Meralco. (Kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines – Ang ikalawang sunod na panalo ang nakataya sa Army Lady Troopers, ha­bang babangon mula sa pagkatalo ang Systema Active Smashers sa pag­pa­patuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Foreign Re­inforced Conference nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaro ng Lady Troo­pers ang Cagayan Valley Lady Rising Suns sa wo­men’s division sa alas-6 ng gabi.

Bago ito ay magtutuos ang Active Smashers at ang FEU Tamaraws sa alas-4 ng hapon at nais ng una na pumasok sa win column sa men’s division.

Nasayang ang 8-6 kalamangan na hinawakan ng Systema sa ika-lima at huling set nang lasapin ang 25-17,19-25,18-25, 25-20, 12-15 pagkatalo sa IEM Volley Masters sa pagbubukas ng ligang inor­ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s no­ong Linggo.

Kailangang makita ang tikas ng mga beterano ng Active Smashers dahil determinado ang Tamaraws na makasilat agad sa liga.

Walang naging proble­ma sa Army ang paglalaro ng walang imports matapos ang 25-19, 25-18, 25-18 straight sets win sa Me­ralco Power Spikers sa unang laro sa women’s di­vision.

Balak tuhugin ang ikala­wang sunod na kampeo­na­to sa torneong may ayuda ng Accel at Mikasa, naki­ta ang buti sa paghugot kay 6-foot-2 Dindin Santiago matapos maghatid ng 10 points.

Lalong bumangis ang opensa ng tropa ni coach Rico de Guzman dahil hindi na­wala ang galing nina Jo­velyn Gonzaga, Mary Jean Balse, Rachel Ann Daquis at Tina Salak.

Tiyak na susukatin ang lalim ng Lady Troopers ng La­dy Rising Suns na nais na bawian ang katunggali matapos agawin ang da­ting kampeonato sa nagda­ang conference.

Show comments