^

PSN Palaro

Thompson hinirang na NCAA PC Player of the Week

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa ikatlong pagkakata­on sa Season 90 ay si Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help ang ki­nilala bilang NCAA Press Corps Player of the Week ma­tapos ang dalawang ma­gagandang panalo para ma­­katiyak na ng playoff tic­ket sa Final Four ng men’s basketball tournament.

Ang husay sa pagpuntos ang tampok na ipinakita ni Thompson, partikular na sa laro laban sa San Se­bas­tian Stags na nagbigay ng ika-12 panalo sa Altas ma­tapos ang 18 laro para manatiling palaban sa puwesto sa semifinals.

Gumawa si Thompson ng 23 points sa second half patungo sa nangungunang 29 puntos.

May 11 siya sa huling yugto para tabunan ang na­unang 33-47 iskor para angkinin ang 92-76 panalo.

Bago ito ay gumawa muna ang 21-anyos na tubong Digos City, Davao del Sur ng 20 points, 12 rebounds at 8 assists sa 65-62 panalo laban sa St. Benilde Blazers.

“Wala akong masasabi sa kanya dahil talagang bi­nitbit niya kami,” wika ni Perpetual head coach Aric del Rosario.

Ito na ang ikatlong weekly citation ni Thompson mula sa mga ma­mama­hayag at online wri­ters na kumokober ng liga para lalong patatagin ang paghahabol sa MVP award.

“Hindi individual award ang habol ko kaya nagsi­sikap ako. Gusto kong tu­lungan ang team na  ma­kapasok sa Final Four at sa­na hanggang Finals,” pa­hayag ni Thompson na may isang taon pang maglalaro sa liga.

Ang mga kakamping sina Harold Arboleda at Juneric Baloria ay nakitaan din ng magandang pagla­laro bukod pa kina Dioncee Holts ng Arellano Chiefs at Ford Ruaya ng Letran.

Pero ang impresibong magkasunod na ipinakita ni Thompson sa mga krusyal na labanan ay sapat na para siya ang parangalan sa nagdaang linggong ak­syon.

ARELLANO CHIEFS

DIGOS CITY

DIONCEE HOLTS

EARL SCOTTIE THOMPSON

FINAL FOUR

FORD RUAYA

HAROLD ARBOLEDA

JUNERIC BALORIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with