LOUISVILLE, Ky. – Umiskor si Jimmer Fredette ng 17 points at nagdagdag ng 15 si Luke Babbitt para pangunahan ang New Orleans Pelicans sa 98-86 panalo laban sa Miami Heat sa pre-season opener para sa dalawang koponan.
Nagtala naman si Chris Bosh ng malamyang 3-for-13 fieldgoal shooting para sa Miami, habang may 2-of-7 clip naman si Dwyane Wade.
Gumamit ang Pelicans ng isang 20-5 atake sa pagtatapos ng second quarter para baligtarin ang six-point lead ng Heat sa kanilang 44-35 bentahe sa halftime.
Nagsalpak ang New Orleans ng limang 3-pointers sa nasabing ratsada.
Tinapos ng New Orleans ang laro na may 14-of-32 shooting sa 3-point range kung saan nagtumpok ng pinagsamang 8-of-14 sina Fredette at Babbitt.
Habang itinuturing na isang home game para sa nagdedepensang Eastern Conference champions, ang karamihan naman sa sellout crowd na 20,074 ay sumusuporta sa apat na Pelicans na tubong Indiana.
Si Eric Gordon ay naglaro ng college ball sa Indiana University, habang sina Darius Miller at Anthony Davis ay kumampanya para sa University of Kentucky at si Russ Smith ay nagbida sa University of Louisville.
Umiskor naman si James Ennis ng 17 points sa panig ng Heat, ang dating NBA champion.