Lakers guard hindi makakalaro ng 8 linggo

LOS ANGELES -- Walong linggong hindi makaka­paglaro si Lakers guard Nick Young, kasama dito ang ka­nilang season opener, matapos mapunitan ng litid sa kan­yang kanang hinlalaki.

Nagkaroon ng injury si Young sa kanilang team prac­tice nang tangkaing agawan ng bola si Kobe Bryant.

Siya ay sasailalim sa  surgery sa Lunes.

Nakita sa isang MRI exam ang pagkakapatid ng  ra­dial collateral ligament ni Young sa kanyang kanang hin­lalaki.

Nagtala ang 29-anyos na guard ng average na career-high 17.9 points sa nakaraang seasonsa loob ng 64 laro.

Lumagda siya ng isang four-year, $21.5-million contract extension sa Lakers at inaasahang hin­di makikita sa unang regular-season game ng Lakers sa Oktubre 28.

 

Show comments