UP basketball program rerebisahin ni Palami

MANILA, Philippines - Tiyak na magkakaroon ng ‘total revamp’ sa kopo­nan ng Fighting Maroons ng University of the Philippines.

Ito ang tiniyak ni men’s basketball team manager Dan Palami matapos ang 1-13 record ng Fighting Ma­roons sa 77th UAAP season.

Gusto ni Palami, ang team manager ng Philippine Azkals, na repasuhin ang basketball program ng UP bilang paghahanda sa susunod na UAAP season.

Nagposte ang Fighting Maroons ng 10-102 win-loss record sa nakaraang wa­long taon.

Winakasan ng Diliman-based cagers ang kanilang 27-game losing skid matapos talunin ang Adamson Falcons sa first round na ka­nilang ipinagdiwang sa pa­mamagitan ng bonfire sa Sunken Garden.

Ngunit matapos ito ay sunud-sunod na kabiguan ang muling nalasap ng UP.

Nais ni Palami na du­ma­an sa bagong tryouts ang mga players para ipa­kita ang kanilang husay.

Show comments