South Korea ginulat ang Iran para sa gold sa basketball
INCHEON, Korea -- Ginulat ng host South Korea ang continental champions na Iran, 79-77, para angkinin ang gintong medalya sa men’s basketball competition ng 17th Asian Games dito kahapon.
Bumangon ang mga Koreans sa isang five-point deficit sa huling 2:02 minuto para kunin ang kanilang pang-apat na gold medal sa Asiad.
Huling nagkampeon ang South Korea sa Asian Games noong 2002 sa Busan, Korea kung saan nila ginulat ang China ni dating NBA superstar Yao Ming.
Umiskor si small forward T.J. Moon ng team-high 19 points at nagsalpak ng dalawang krusyal na free throws sa dulo ng laro para tulungan ang South Korea na talunin ang Iran, naghari sa 2013 FIBA-Asia Championship na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pilipinas.
- Latest