Kapana-panabik na mga laro sa V-League

Laro Bukas

(The Arena, San Juan)

4 p.m. IEM vs

Systema (men’s)

6 p.m. Army vs

Meralco (women’s)

 

MANILA, Philippines - Sa pagkakaroon ng mga bigating players, inaa­sahan ng mga coaches na magiging mahigpit ang la­banan sa Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference na hahataw bukas sa The Are­na sa San Juan.

“In a short tournament, every game counts, so ex­pect a down-to-the-wire finish in all matches,” sabi ni Philippine Army head coach Rico de Guzman.

Habang kumuha ang Ca­gayan Valley, Meralco at PLDT Home Telpad ng Thai at Japanese reinforcements para palakasin ang ka­nilang kampanya sa sea­son-ending tournament ng ligang itinataguyod ng Sha­key’s, isasalang naman ng Army ang isang all-Filipino line-up.

Tinalo ng Lady Troo­pers ang Lady Rising Suns para sa korona ng nakaraang Open Conference.

Muling ipaparada ng Ar­my sina Most Valuable Pla­yer awardees Jovelyn Gonzaga, Rachel Ann Da­quis, Nerissa Bautista at Ma­ry Jean Balse katuwang ang bagong hugot na sina Dindin Santiago at Carmina Aganon.

Nasa koponan pa rin si­na ace setter Tina Salak, Joanne Bunag, Christine Ag­no, Genie Sabas, Sarah Jane Gonzales, Patricia Sia­tan-Torres at skipper Mi­chelle Carolino.

Babanderahan naman ang Meralco Power Spi­kers nina dating La Salle star Abby Maraño, Thai Wa­nida Kotruang at Japa­nese Misao Tanyama bukod pa kina Stephanie Mer­cado, skipper Maureen Pe­netrante-Ouano, Jennylyn Reyes, Maica Morada, Ap­ril Ross Hingpit, Ma. Con­cepcion de Guzman, Zharmaine Velez, LC Girly Quemada at Celine Hernandez.

Aasa naman ang Ca­ga­yan Valley kina veteran Aiza Maizo-Pontillas, Janine Marciano, Joy Benito, mga dating Adamson stars na sina Shiela Pineda at Pau Soriano, Gyzelle Sy, Wen­neth Eulalio, Relea Saet at Thai imports Pat­charee Saengmuang at Am­porn Hyapha.

Ang PLDT Home Telpad ay babanderahan ni­na dating MVP Suzanne Ro­ces, power-hitter Ange­la Benting, top blocker Charo So­riano, ace setter Rubie de Leon, Ryzabelle De­vanadera, Maruja Bana­ticla, Lizlee Ann Pantone, Lau­rence Ann Latigay at Lour­des Patilano.

Magpaparada ang Tur­bo Boosters ng isang Thai import sa una nilang laro sa Oktubre 9.

Isang exhibition match sa pagitan ng Philippine U-17 squad at FEU Lady Ta­maraws ang nakatakda sa alas-2 ng hapon.

Show comments