^

PSN Palaro

Thais, Japanese sa V-League

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang Thai players at isang top setter mula sa Japan ang pa­parada sa darating na Shakey’s V-League Season 11 Third Conference na pakakawalan sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.

Magbabalik si Wanida Kot­ruang, naglaro para sa Smart sa nakaraang sea­son, sa pagkampan­ya sa Meralco sa four-team event na isasabay sa men’s championship na may apat ding koponan.

Maglalaro rin si Misao Tan­yama, miyembro ng Japan national team, para sa Meralco, habang ang Thai ace namang si Kesinee Lithawat ang gagabay sa PLDT sa season-ending con­ference ng liga na itina­ta­guyod ng Shakey’s.

Dati ring naglaro si Tanyama para sa Philippine club team na sumabak sa Asian Volleyball Confe­deration Women’s Club Championship sa Thailand, ha­bang si Lithawat ang gu­miya sa Ateneo para sa unang V-League crown sa Season 8.

Ipaparada naman ng Ca­gayan Valley ang mga lo­cal players na sina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero, Gyzelle Sy, Pau Soriano at Shiela Pineda.

 

AIZA MAIZO

ANGELI TABAQUERO

ASIAN VOLLEYBALL CONFE

CLUB CHAMPIONSHIP

DALAWANG THAI

GYZELLE SY

KESINEE LITHAWAT

MERALCO

MISAO TAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with