Dating lumahok sa Miss USA pageant ipaparada ng Petron sa PSL Grand Prix

MANILA, Philippines - Isang dating sumali sa major beauty pageant ang magdaragdag ng kinang sa nalalapit na Philippine Su­per­liga (PSL) Grand Prix.

Babanderahan ni Miss Oregon Alaina Bergsma ang 12 reinforcements na makikita sa aksyon sa premiere inter-club volleyball tournament na may basbas ng Philippine Volleyball Fe­deration (PVF), Asian Vo­lleyball Confederation (AVC) at ng International Volleyball Federation (FIVB) na hahataw sa Oktubre 18 sa Smart Araneta Co­liseum.

Makakatuwang ng 6-foot-3 na si Bergsma, na­ging kandidata noong 2012 Miss USA pageant at dating miyembro ng USA wo­men’s volleyball squad, si setter Erica Adachi ng Bra­zil para sa Petron na nabigong makapasok sa fi­nals sa nakaraang kom­perensya sa kabila ng pag­pa­parada kay top rookie Din­din Santiago.

Mapapanood din sa tor­neo si Cincinnati hitter Bonita Wise na makikipag­tulungan kay dating Kansas star Emily Brown para sa RC Cola.

Ang ama ni Wise ay ang dating PBA import na si Francois, habang ang kan­yang nakababatang ka­patid na si Eric ay kumampanya para sa Barako Bull sa 2013 PBA Governor’s Cup.

Magbabalik naman sa ban­sa si spiker Kaylee Manns para sa rookie team na Puregold.

Napanood ang 26-an­yos na si Manns, may ma­lawak na international volleyball experience, sa PSL no­ong nakaraang taon at at makakatulong si dating Flo­rida star Kristy Jaeckel.

Ipaparada ng bagong ko­ponan sina German sen­sations Lindsay Stalzer at Sarah Ammerman, sa­mantalang hinugot ng Cig­nal sina Russians Elena Tarasova at Irina Tarasova.

Magpaparada rin ang Ge­nerika ng Russian rein­forcement sa katauhan ni Natalia Korobkova na ma­kakasama ni setter Miyuu Shi­nohara ng Japan na si­yang pinakabatang import sa edad na 19-anyos.

“The Grand Prix is the other program of the PSL where foreign guest players are invited to join as reinforcement of the teams,” sa­bi ni Ramon Suzara, ang pre­sident at CEO ng nag-oorganisang Sports Core, sa naturang mga foreign pla­­yers. “Not only it raises the level of competition, but it also gives local players a chance to learn from these foreign players who come from countries with good volleyball program like the United States, Brazil, Russia and Japan.”

Show comments