BMX rider naghatid ng unang ginto sa Pinas

MANILA, Philippines – Nawakasan na ang panunuyot sa gintong medalya ng Pilipinas matapos pangunahan ni Olympian biker Daniel Caluag ngayong Miyerkules ang BMX Moto Race ng 17th Asian Games sa South Korea.

Nanguna si Caluag sa tatlong runs ng kompetisyon kung saan tinapos niya ang Moto 1 even sa bilis na 35.27 seconds, habang 35.36 naman sa pangalawa at 35.43 sa pangatlong karera.

"I tried to focus on what I needed to do, take it one race at a time," wika ni Caluag.

Umaasa si Caluag na madagdagan pa ang ginto ng bansa, kung saan sa boksing at tatlong Pilipino ang sigurado na sa bronze medal.

"It's a great feeling. We're always doing it for the country. Hopefully, there's many more coming in from the boxers and other sports that have yet to start.”

Show comments