Juico hindi pinagsisihan ang paglahok kay Torres

INCHEON, Korea – Wa­­lang pagsisisi na nara­ramdaman si PATAFA pre­sident Philip Ella Juico ukol sa desisyong itulak ang par­tisipasyon ni Marestella Tor­res sa Asian Games dito.

Hindi nakapagtala ng anu­­mang marka ang dating Southeast Asian Games queen sa long jump matapos ang foul sa tatlong sunod na lundag noong Lunes ng gabi.

Ang mga kasali ay pina­­talon muna ng tatlong beses para madetermina ang unang walong jumpers na mag­papatuloy ng laban pa­ra sa gintong medalya.

“Sports have many surprises,” wika ni Juico na ang ti­nukoy ay ang nangyari kay Torres na sinabayan pa ng pagkapanalo ng hindi pina­bo­rang Indonesian jumper na si Maria Nathalia Londo sa 6.55 metrong lundag.

Si Thi Thu Thao Bui ng Viet­nam ang pumangalawa sa 6.44m, habang si Yanfei Jiang ng China ay puma­ngatlo sa 6.34m.

Kaya sana ng 33-anyos na si Torres na manalo ng pilak kung napantayan lamang ang 6.47m marka nang manalo ng gold medal sa Singapore Open.

“Talagang gusto niyang ma­nalo, hindi lang sinu­werte. The strategy was to attack, hindi lang na-execute ng mabuti,” dagdag pa ni Jui­co.

Hindi pa naman ito ang ka­tapusan ni Torres dahil pa­­tuloy siyang susuporta­han ng PATAFA.

Pipilitin ni Torres na ma­kalaro sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janiero, Bra­zil matapos ang 2015 SEA Games.

Napahinga si Torres ng ma­higit isang taon dahil sa pagbubuntis at noong Ene­ro lamang ay nagsilang ng kanilang unang anak ni shotput artist Eleazer Su­nang. 

Show comments