^

PSN Palaro

Men’s division itatampok sa Shakey’s V-League Season 11

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Madaragdagan ang hanay na exposure sa men’s volleyball matapos magdesisyon ang Sports Vision na isa­ma ito sa ikatlong komperensya ng darating na Season 11 Shakey’s V-League.

Masayang ibinalita nina Sports Vision president Ricky Palou at chairman Moying Martelino sa mga miyembro ng PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon na apat na ko­ponan ang maglalaban-laban para sa kauna-unahang kampeonato sa men’s division.

Ang mga tiyak nang sasali ay ang Systema at Ins­tituto Estatico Manila, habang nag-aagawan para sa hu­ling dalawang puwesto ang Air Force, Perpetual Help at Cignal.

“We believe in the popularity of the men’s volleyball. We feel this is the right time to test the market so we are pushing it,” wika ni Palou.

Idinagdag naman ni Martelino na patuloy na ma­pa­panood ang aksyon sa women’s class at ang mga maghaharap ay ang Open Conference champion na Philippine Army, Cagayan Valley, Meralco at PLDT.

Lahat ng kasaling koponan ay puwedeng kumuha ng tig-dalawang imports para palakasin ang line-up pero ang Lady Troopers ay maglalaro gamit ang All-Filipino line-up.

Sa Linggo (Oktubre 5) magbubukas ang mga aksyon at ang laro sa men’s category ay magsisimula sa alas-4 ng hapon, habang sa alas-6 mapapanood ang labanan sa women’s division.

May laro rin tuwing Martes at Huwebes at ang format ay double-round elimination at ang mangungunang da­lawang koponan ang maglalaban para sa titulo sa best-of-three series, habang ang dalawang mangungulelat ang magtatagisan para sa ikatlong puwesto.

AIR FORCE

CAGAYAN VALLEY

ESTATICO MANILA

LADY TROOPERS

MOYING MARTELINO

OPEN CONFERENCE

PERPETUAL HELP

PHILIPPINE ARMY

SPORTS VISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with