Panalo ng Perpetual Altas sa Red Lions pinagtibay

Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan City)

11 a.m. Mapua

vs Arellano (jrs)

1 p.m. Jose Rizal

vs San Beda (jrs)

3 p.m. Jose Rizal

vs San Beda (srs)

 

MANILA, Philippines - Nanatili ang 76-75 pa­na­long naitala ng Perpetual Help Altas sa San Beda Red Lions noong Setyembre 22 na inilaro sa The Are­na sa San Juan City.

Nagpulong kahapon ang NCAA Management Committee (ManCom)  sa pa­ngunguna ni chairman Paul Supan ng host Jose Rizal University at pinagpa­liwanag nina league commissioner Arturo Cristobal at technical supervisor Ro­my Guevarra ang reklamo ng Red Lions na dapat ay may 24-seconds violation ang Altas nang pumukol ng 3-pointer si Joel Jolangcob sa ikatlong yugto.

“After deliberating on the protest of SBC ad hea­ring the explanation made by all parties, Mancom de­cided to deny the protest and affirm the results of the game,” wika ni Supan.

Ang pagpapatibay sa pa­nalo sa San Beda ay isa sa dalawang magandang pangyayari sa Altas ka­hapon dahil walang hirap nilang nailista ang ika-10 pa­nalo matapos ang 16 laro nang hindi nakabuo ng limang manlalaro ang Emi­lio Aguinaldo College Ge­nerals.

Tinapos naman  ng San Sebastian Stags ang 10-sunod na kamalasan ma­tapos kunin ang 82-66 pananaig laban sa Lyceum Pirates sa nag-iisang laro ka­ha­pon. (ATan)

Show comments