Talk ‘N Text maglalaro sa Guam

MANILA, Philippines - Sasabak ang Talk ‘N Text sa isang mini-tourna­ment sa Guam bilang pag­hahanda para sa darating na 40th season ng PBA na magsisimula sa Oktubre 19.

Pupuntiryahin ng Tropang Texters ng bagong head coach na si Jong Ui­chico ang korona ng Guam invitationals na naka­takda sa unang linggo ng Oktub­re.

Samantala, inimbitahan naman ang PBA na magsali ng dalawang koponan para sa Dubai International Tournament sa Enero ng 2015.

Ito ay dahil na rin sa ma­gandang ipinakita ng Gilas Pi­lipinas sa nakaraang 2014 FIBA World Cham­pion­ship sa Spain.

Tatalakayin pa ng PBA Board ang kanilang pagsa­bak sa naturang Dubai meet sa Enero ng 2015 dahil makakasabay ito ng PBA Philippine Cup.

Ilang out-of-town games din ang inihahanda pa­ra sa susunod na season.

Kabilang sa mga mag­lalaro sa ilang probinsya ay ang Barangay Ginebra, Barako Bull at Rain or Shine katapat ang mga lo­cal teams.

Magkakaroon naman ang ‘four-peat’ champions na San Mig Coffee at Globalport ng ilang serye ng tune-up matches sa Korea

Bago ang 17th Asian Games sa Incheon, Korea ay nagsagawa na ang ka­ramihan sa mga PBA teams ng tune-up matches kontra sa Kuwaiti at Qatari national teams.

Ang paglalaro ng nasa­bing dalawang Middle East squads ang kanilang na­ging huling preparasyon pa­­ra sa Incheon Asiad.

 

Show comments