^

PSN Palaro

3 gold medals inangkin ng Phl delegation sa Asian Masters

Pilipino Star Ngayon

KITAKAMI CITY,  Japan — Tinapos ni Danilo Fres­nido ang kampanya ng Pilipinas sa 18th Asia Mas­ters Athletics Cham­pionships matapos kunin ang gold medal sa javelin throw kasabay ang pagta­tala ng bagong record.

Ipinoste ni Fresnido ang ba­gong Asian Masters record sa kanyang hagis na 60.48 metro sa kompetis­yong para sa mga veteran ath­letes na 40-anyos.

Ito ang ikatlong gintong medalya ng bansa ma­tapos ang pagrereyna ni Er­linda Lavandia sa jave­lin throw event para sa wo­men’s 60-64 years old ca­tegory

Si Emerson Obiena ang nagbigay ng ikalawang gold medal sa 45-year old men’s pole vault event.

Ang tatlong gintong me­dalya ang target ng dele­gasyong may kabuuang 22 atleta na suportado ng El Lobo Energy Drink, San Mi­guel Corporation, Petron, Sportscore, L-Time Studio, So­ma, Accel , PCSO, PSC at POC.

Maliban sa tatlong gin­to, kumuha rin ang kopo­nan ng dalawang pilak at li­­mang tansong medalya.

Ang dalawang silver me­dals ay mula kay Lavandia sa discus at hammer throws.

Ang huling dalawang bronze medals ay nangga­ling kina Victorina Calma, Len Punelas, Salve Bayaban at Jeanette Obiena sa 4x100 Meters (W-40) at kina John Lozada, Julio Ba­­yaban, Emerson Obiena at Edward Kho sa 4x400 Me­ters (M-40).

ASIA MAS

ASIAN MASTERS

ATHLETICS CHAM

DANILO FRES

EDWARD KHO

EMERSON OBIENA

JEANETTE OBIENA

JOHN LOZADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with