^

PSN Palaro

2 boxers nagtala ng panalo

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea -- Pinatunayan ni Mario Fernandez na dominado niya si Doncha Thathi nang taluning muli ang Thai sa pagsisimula ng boxing competition sa 17th Asian Games kahapon dito.

Mahusay na sinandalan ng SEA Games champion ang galing sa counter-punching sa kabuuan ng tatlong rounds patungo sa kanyang 3-0 panalo.

Si Thathi ay nakalaban na ni Fernandez sa Myammar SEA Games noong 2013 at nanalo siya sa 2-1 iskor.

“Hindi niya binitiwan ang pressure kaya convin­cing ang panalo,” wika ni men’s head coach Nolito “Boy” Ve­lasco.

Ang panalo ay nag-akay kay Fernandez sa round-of-16 kalaban ang si­numan kina Puran Raj ng Ne­pal at Yahya Sharahili ng Saudi Arabia.

Dinuplikahan naman ni light­weight Charly Sua­rez ang naunang panalo ni Fer­­nandez matapos gi­ba­in si Elnur Abdurimov ng Uz­be­kistan, 2-1, mula sa ma­tutulis niyang suntok.

Si London Olympian Mark Anthony Barriga ay na­katakdang ­labanan nga­yon si Hussin Al-Marin ng Syria sa light flyweight, ha­­bang makakasukatan ni Ian Clark Bautista si Maher Mo­hammad Shamon ng Jor­dan.

Makakaharap ni lightweight Dennis Galvan si Bat­tarsukh Chinzorig ng Ka­­zakhstan at makakatagpo ni middleweight Wilfredo Lo­­pez si Azizbek Achilov ng Turkmenistan.

Sa Sabado ay mapapa­la­ban sina world champion Jo­sie Gabuco at Nesthy Petecio kontra kina Lin Yu Ting ng Chinese-Taipei at Gulzhaina Ubbinizayova ng Kazakhstan.

ASIAN GAMES

AZIZBEK ACHILOV

CHARLY SUA

DENNIS GALVAN

DONCHA THATHI

ELNUR ABDURIMOV

FERNANDEZ

GULZHAINA UBBINIZAYOVA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with