Orcollo, Corteza magdedepensa ng korona

MANILA, Philippines – Sisimulan nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corte­za ang pagdedepensa sa titulo sa World Cup of Pool sa pagsukat kina Alejandro Carvajal at Enrique Rojas ng Chile ngayong gabi sa Mountbatten Centre sa Portsmouth, England.

Nagtagumpay sina Or­collo at Corteza noong 2013 na ginawa sa York Hall, London laban kina Niel Feijen at Nick Van Den Berg ng Holland mula sa 10-8 iskor.

Ang host England ay binigyan ng karapatang magpasok ng dalawang teams at ang mga ito ay pa­laban din dahil binubuo ng mga tinitingalang manlalaro na sina Darren Appleton at Karl Boyes (A) at Daryl Peach at Chris Melling (B).

Nais nina Orcollo at Cor­teza na maging kauna-una­hang tambalan na na­kadalawang sunod na kam­peonato sa ligang sina­hugan ng $250,000.00 prem­yo.

Ito rin ang lalabas na ikat­long titulo ng Pilipinas kung magtatagumpay sina Or­collo at Corteza.

Ang unang dalawang kam­peonato ay naipagka­loob ng maalamat na sina Ef­ren “Bata” Reyes at Fran­­cisco “Django” Bus­ta­mante na nangyari noong 2006 sa Newport, Wales at 2009 sa SM North sa Quezon City.

Show comments