Ilas at Cordova lalaban sa finals

INCHEON, South Korea – Itinaas ng tambalang Edgar Ilas at Nestor Cordova ang kampanya ng Pilipinas ma­tapos umentra sa finals ng light­weight men’s double sculls sa ro­wing event sa 17th Asian Games na idina­os sa Chougju Tangeum Lake Rowing Center dito.

Nagsanib ng puwersa si­na Ilas at Cordova sa pag­kampay ng  tiyempong 1:35.93 sa 500-meter; 3:16.58 sa 1,000m; 4:58.77 sa 1,500m at 6:40.95 sa 2,000m para kunin ang unang puwesto papasok sa finals.

Tinalo nina Ilas at Cordo­va sina Inlee Pom­tawat at Saensuk Jeruwat ng Thailand na umuko­pa sa ikalawang puwesto.

Bukod sa Thais ay ma­kaka­laban rin nina Ilas at Cor­dova ang apat pang qua­lifyers sa finals.

Ang tagumpay nina Ilas at Cordova ay nabahiran ng lung­kot nang masibak si Benjamin Tolentino sa lightweight men’s single sculls na di­nomina ni Aghel Habibian ng Iran sa oras na  7:17.30.

Show comments