8 gold medals tatargetin ng Phl boxers

INCHEON, South Korea – Handang kunin ng walong National boxers ang lahat ng gintong medalya na itataya sa kompetisyong magbu­bu­kas sa Miyerkules sa Seon­hak gymnasium.

“Kung kaya ang walo, ku­kunin namin lahat,” wika ni coach Roel Velasco.

May 13 ginto ang naka­ta­ya sa men’s at women’s events na matatapos sa Oktubre 3 at mataas ang kum­piyansa ni Velasco dahil hindi pa nabibigo ang bo­xing team sa paghahatid ng me­dalya sa delegasyon sa Asiad.

Noong 2010 sa Guangzhou, China ay humakot ang koponan ng tig-isang gin­­to, pilak at tansong me­dalya na naipagkaloob ni­na flyweight Rey Saludar, wo­man flyweight Annie Albania at lightweight Victor Saludar.

Ngunit ang mga ito ay wala sa delegasyon nga­yong Asiad.

Ang mga ninombrahan ng ABAP para sa medal­yang ginto ay sina Mark An­­thony Barriga, Mario Fer­nan­dez, Charly Suarez, Gal­­van, Ian Clark  Bautis­ta at Wilfredo Lopez sa ka­la­lakihan at sina Josie Ga­bu­co at Nesthy Petecio sa ka­­babaihan.

Show comments