Baniqued, Lavandia kumuha ng bronze sa Asian Masters

KITAKAMI CITY, Japan -- Pumitas ang Pilipinas ng dalawang bronze medals sa pagsisimula ng 18th Asian Masters Athle­tics Championships dito sa Kitakami City, Iwate Pre­fecture.

Ibinigay ni Margarito Ba­niqued sa bansa ang unang tansong medalya ma­tapos pumangatlo sa 5,000-meter walk for men 55-years old.

Nagtala siya ng oras na 32 minuto at 38.57 segundo sa hanay ng 42 atleta.

Si Baniqued ay isang middle distance runner sa panahon ng Gintong Alay sa ilalim ni Michael Keon.

Kinuha naman ni Erlin­da Lavandia, ang nireres­petong Masters javelin throw champion, ang ikala­wang bronze medal ng ban­sa sa hammer throw event para sa women 60-64 years old.

Naghagis siya ng dis­tan­syang 21.27 metro.

Ang paglahok ng na­tional team sa event ay suportado ng San Mi­guel Corporation, Pe­tron, Sportscore, L-Time Stu­dio, Soma, El Lobo Ener­gy Drink, Accel, PCSO, PSC at POC.

Sinabi ni Lavandia na lalahok din siya sa kanyang paboritong event na javelin throw kung saan siya inaa­sahang kukuha ng gold me­dal.

Show comments