^

PSN Palaro

Pinoy netters umiskor laban sa Mongolians sa team event

Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea — Maagang inilabas ng Pinoy netters ang kanilang pangil ng  mainit na simula matapos humataw ng 3-0 pa­nalo laban sa Mongolia sa men’s team event ng 2014 Asian Games tennis com­petition dito sa Yeorumul Tennis Courts kahapon.

Ipinamalas kaagad ni Fil-Am Ruben Gonzales ang kanyang husay nang umiskor ng 6-3, 6-2 panalo laban kay Badrak Munkhbaatar sa unang singles match.

Umangat agad ang kalidad ng laro ni Gonzales, be­terano ng Asian Davis Cup at SEA Games, sa kalaban nang hindi ito pinaporma tungo sa magaang na pana­lo na sinaksihan nina Chief of Mission at PSC chairman Richie Garcia, Philta secretary general Romeo Magat at fellow task force member at Samahang Basketbol ng Pilipinas treasurer Jay Ada­lem.

Inangkin ni Gonzales ang first set sa iskor na 6-3 bago dinomina ang tenis­tang mula sa Ulan Bator pa­­ra tapusin ang laro.

“I was determines to win because to bolster my mo­rale. It’s inspiring to win this game. I happy to play con­sistent and better my per­formance in the succee­ding games,” pahayag ni Gon­zales.

Ang panalo ni Gonzales ay sinundan ni Patrick John Tierro nang iposte ang 6-4, 6-2 tagumpay laban kay Er­denebayar Duurendayar sa ikalawang singles.

Nagtulong naman sina Gon­zales at Grand Slam ve­teran Treat Huey nang ire­histro ang 6-0, 6-0 pananaig kontra kina Oyunbat Baatar at Sukhjargal sa doubles event para kumpletuhin ang pagwalis sa three-game tie.

Susunod na makakasagupa ng mga Pinoy net­ters ay ang Chinese-Taipei na se­cond seed sa nasabing event. (BRepizo-Meraña)

ASIAN DAVIS CUP

ASIAN GAMES

BADRAK MUNKHBAATAR

CHIEF OF MISSION

FIL-AM RUBEN GONZALES

GONZALES

GRAND SLAM

JAY ADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with