MANILA, Philippines - Winalis ng mga Filipino darters ang mga major awards sa katatapos na 2014 Malaysian Open darts tournament sa Premier Hotel sa Klang, Selangor, Malaysia.
Nagkampeon ang mga Filipino sa men’s at ladies’ singles, men’s singles soft tip at sa premier division ng team competition.
Inangkin ni Arnie Ticman ang ladies’ crown, habang naghari si Juanito “Boy” Gionson sa men’s singles steel tip at nagbida si Dixie Ybanez sa men’s singles soft tip.
Dinala ang laban ng Shanghai Darts Singapore, nagwagi naman sina Filipino campaigners Louie Soriano, Boie Parfan, Ricky Santiago, Jaypee Detavlan, Archie Limpahan, Ray Rondilla, Froy Socco at Roland Mirabueno sa team competition.
Tinalo ng mga Filipino ang mga elite darters mula sa Australia, Japan, Hong Kong, India, Thailand, Singapore, Brunei at host Malaysia sa nasabing 14-year tournament na may premyong 95,000 Malaysian dollars.