Douthit kukuwestiyunin sa Asiad?

INCHEON, Korea -- Kung itutuloy ng mga ka­ri­­bal ng Gilas Pilipinas ang pagkuwestiyon kay Marcus Douthit ay may po­si­bilidad na hindi rin maka­la­ro ang naturalized center sa 17th Asian Games sa In­cheon, Korea.

Inaasahang aalmahan ng China, Japan, Iran at host Korea ang pagpayag ng Olympic Council of Asia (OCA) at ng Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) sa pag­tanggap kay Douthit bi­lang kapalit ni naturalized player Andray Blatche.

Nauna nang kinuwestiyon ng IAGOC ang kuwa­lipikasyon ng 6-foot-11 na si Blatche para sa Incheon Asiad.

Pinanindigan ng IA­GOC at ng OCA ang pag­pa­patupad sa kanilang three-year residency rule pa­ra sa mga naturalized athlete.

Nakuha ni Blatche ang atensyon ng mga karibal ng Pilipinas sa Incheon Asiad matapos ang kanyang impresibong paglalaro sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Nakatakdang isagawa ang Technical Meeting sa basketball sa Biyernes kung saan inaasahang ta­tanggapin si Douthit bilang replacement ngunit para la­mang sa isang player da­hil posibleng hilingin ng ibang bansa na bawiin ang puwesto ni Blatche.

Mangangahulugan na magkakaroon lamang si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ng 11 players.

“Yes, it is a possibility but I hope it won’t happen,” sa­bi ni Philippine Sports Com­mission chairman at Chef De Mission Ricardo Gar­cia sa pagkuwestiyon kay Douthit.

Show comments