^

PSN Palaro

Red Lions pasok sa final four

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

12 n.n.  Letran vs St. Benilde (jrs/srs)

4 p.m. Jose Rizal U vs San Sebastian (srs/jrs)

 

MANILA, Philippines - Hindi man kasing-ganda ang ipinakita sa huling laro ay hindi naman nadiskaril ang target ng four-time defen­ding champions na San Beda College na makapasok sa Final Four nang lapain ang Lyceum, 76-60, sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nanatili rin sa ikalawang puwesto ang Arellano University nang tuhugin ang Emilio Aguinaldo College, 105-88, sa ikalawang laro.

Si Prince Caperal ay may 18 puntos at dalawa la­mang sa 11 buslo ang kanyang naisablay para pamu­nuan ang matinding pag-atake ng Chiefs na umakyat sa 11-4 baraha.

Sa second half naman humataw ang Red Lions para iwanan ang Pirates tungo sa paghagip ng ika-13 panalo sa 15 laban at marating ang semifinals sa ika-siyam na sunod na taon.

Nagtulong sina Arthur dela Cruz, Anthony Semerad at Baser Amer sa ikatlong yugto upang ang pitong puntos na kalamangan sa halftime ay lumobo sa 15 puntos, 57-42, matapos ang ikatlong yugto.

Si Dela Cruz ay may 18 points, 7 rebounds at 4 assists, si Semerad ay may 13 markers kasunod ang 9 ni Amer.

Ang pambatong sentro na si Nigerian import Ola Adeogun ay nagkaroon lamang ng siyam na puntos dahil napikon siya sa pisikal na laro ng Pirates.

Magkasunod na flagrant at technical fouls ang itinawag sa 6-foot-7 center matapos sikuhin si Rhoel Maconocido na naputukan dahil sa pangyayari.

“Hindi ganito ang ipinakita namin laban sa Letran at sinuwerte lang kami dahil masama ang laro ng Lyceum,” wika ni Fernandez.

Ngayong nakaapak na sa Final Four, pagtatangkaan ng Red Lions ang ‘twice-to-beat’ advantage.

Si Joseph Gabayni ay may 22 puntos ngunit siya la­­mang ang nag-iisang manlalaro ng Pirates na nasa doble-pigura na naglagay sa balag ng alanganin ang pag­­ha­habol ng puwesto sa susunod na round sa ka­nilang taglay na 6-9 baraha. (ATan)

SBC 76 – Dela Cruz 18, A. Semerad 13, Amer 9, Adeogun 9, Mendoza 8, Pascual 7, Tongco 5, Koga 4, Sara 2, D. Semerad 1, Mocon 0.

LPU 60 – Gabayni 22, Baltazar 8, Taladua 7, Malabanan 5, Mbida 5, Elmejrab 3, Bulawan 2, Maconocido 2, Pamulaklakin 0, Soliman 0, Lesmoras 0.

Quarterscores: 19-14; 35-28; 57-42; 76-60.

Arellano 105 - Caperal 18, Enriquez 12, Nicholls 11, Holts 11, Agovida 10, Hernandez 8, Jalalon 7, Ciriacruz 6, Palma 6, Pinto 0, Gumaru 4, Bangga 4, Cadavis 2, Ortega 0.

EAC 88 - Tayongtong 25, Serrano 15, Jamon 12, General 9, Onwubere 8, Saludo 7, Mejos 6, Quilanita 4, Pascual 2, Santos 0, Arquero 0.

Quarterscores: 24-13; 55-34; 85-57; 105-88.

AMER

ANTHONY SEMERAD

ARELLANO UNIVERSITY

BASER AMER

FINAL FOUR

RED LIONS

SAN JUAN CITY

SEMERAD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with