4-golds uwi ng Ph Memory team

MANILA, Philippines – Apat na ginto, anim na pilak at tatlong bronze me­dals ang napanaluhan ng Pilipinas sa Hong Kong International Memory Championships sa Lutheran Se­condary School sa Waterloo Road, Hong Kong noong Setyembre 13 at 14.

Ang kauna-unahang Grandmaster sa Memory ng bansa na si Mark Anthony Castañeda ang namuno sa paghakot ng medalya nang nakatatlong ginto sa Speed Cards, Historic/Future Dates at Names and Faces. May pilak pa siya sa Spoken Numbers at dalawang bronze me­dals sa 30-Minute Binary at Speed Number.

Si GM Erwin Balines ang kumuha sa ikaapat na ginto ng bansa sa Abstract Images bukod sa apat na pilak sa 30-Minute Cards, Historic/Futures Dates,30-Minute Binary Digits and Names at Faces. May bronze pa siya sa 30-Minute Numbers.

Ang huling bronze ay ibinigay ni GM-Candidate Axel Labernilla sa Spoken Numbers.

Show comments