BARCELONA--Hindi naramdaman ng US ang di paglalaro ng mga NBA stars nang umusad ang koponan sa FIBA World Cup finals sa 96-68 dominasyon laban sa Lithuania noong Huwebes dito.
Tig-16 puntos ang ginawa ng team captain na si James Harden at Klay Thompson habang si Kyrie Irving ay naghatid ng 18 puntos at apat na assists para sa US na gumamit ng malakas na paglalaro sa ikatlong yugto para maiwanan ang Lithuania.
“Lithuania is a great basketball country and was more than a worthy opponent,” wika ni US coach Mike Krzyzewski.
Mula sa 43-35 kalamangan sa halftime ay nagpakawala ng 31 puntos ang US habang nilimitahan ang Lithuania sa 14 para sa 76-49 bentahe papasok sa huling yugto.
Si Harden ang nanguna sa paglayo nang araruhin ang lahat ng puntos sa nasabing yugto.
“We lost our rhythm, there were too many turnovers and we lost our way,” wika ng natalong coach na si Jonas Kazlauskas. “When you face the USA you can’t afford to lose your concentration for a minute. In the first half we were fighting but then the difference got to 20 points and there was nothing we could do.”
Maituturing na second stringer lamang ang US team na ipinadala sa World Cup dahil wala ang mga hinahangaang manlalaro tulad nina LeBron James at Kevin Durant.
Magkaganito man ang line-up ay naipapakita pa rin nila na malayo pa rin ang kalidad ng mga NBA players laban sa mahuhusay na manlalaro ng ibang bansa.