^

PSN Palaro

Blatche muling hinarang sa Asian Games

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit tinulungan na ng FIBA, ayaw pa rin palaruin ng Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) si naturalized Filipino Andray Blatche sa darating na Asian Games.

Ayon sa ulat ng Korean website na sports.naver.com, iginiit ng IAGOC na patakaran ng Olympic Council of Asia na base sa International Olympic Committee (IOC) ang kanilang sinusunod para sa naturang palaro at hindi ang FIBA.

Nakasaad sa patakaran na kinakailangan ay mayroong permanenteng bahay sa Pilipinas ang isang naturalized player sa loob ng tatlong taon pataas. Nitong taon lamang naging naturalized Filipino ang NBA veteran na si Blatche.

Kaugnay na balita: ‘Mighty Mouse’ wala pang desisyon para sa paglalaro sa 2014 Asian Games

Dahil sa naturang patakaran ay hindi rin pinayagan ng IAGOC ang naturalized player ng Chinese Taipei na si Quincy Davis at ang siyam na football players ng Macau.

Nauna nang sumulat si FIBA Secretary-General Patrick Baumann sa IAGOC at sinabing kwalipikado si Blatche na maglaro para sa Pilipinas, kung saan patunay dito ang paglalaro niya sa FIBA world cup, pero sa huli ay wala itong naging bisa.

Samantala, tila sumuko na si Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia at sa halip ay hiniling na lamang sa IAGOC na palitan ni Marcus Douthit si Blatche.

"Yung kay Blatche, [halos] wala na 'yun. So ang hinihingi namin ngayon ay kung puwede siyang palitan. Kasi sa sulat nila (IAGOC) eh parang ayaw nila palitan eh," pahayag ng chief de mission na si Garcia nitong Biyernes.

ASIAN GAMES

BLATCHE

CHINESE TAIPEI

FILIPINO ANDRAY BLATCHE

INCHEON ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

MARCUS DOUTHIT

MIGHTY MOUSE

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with