MANILA, Philippines – Dinumog ng mga sports enthusiasts, partikular ang Mixed Martial Arts at Pinoy Kickboxing sa bansa, ang Sagupaan sa Maynila na idinaos sa Human Energy Gym sa YMCA, Ermita.
Ang Sagupaan ay inorganisa nina David Layosa at Master Instructor Barry Agpoon at nilahukan ng iba’t-ibang gym instructors sa Metro Manila.
Dumalo sa pagbubukas ng Sagupaan si taekwondo champion at konsehal Ali Atienza, habang nanood naman mula sa simula hanggang matapos si konsehal Philip Lacuna.
Ang mga sumabak at nagwagi sa sagupaan ay sina Randel Parinas, lady fighter Cahea Castillo, Gerald de Jesus, Arjay Asuncion, Jojie Veloro, Wayne Magcalas, Johny Blanca, Jonar Lagasca, Mark Tura at Alvin Quirona at ang dalawang makapigil hiningang main event na sina professional kickboxing at karatedo fighter Junifer Kimmayong at Charles Agpoon.
Kapwa umiskor sina Kimmayong at Agpoon ng Referee-Stopped-Contest (RSC) win matapos nilang pagbagsakin ang kanilang mga nakalaban.
Ayon kay Master Barry at Layosa, ang Sagupaan ay may layuning mapatingkad pa ang kaalaman at kahalagaan ng pagiging bihasa sa martial arts para maipagtanggol ang kapwa at sarili sa oras ng pangangailangan laban sa mga masasamang elemento.
Ang Human Energy Gym ay dinarayo ngayon ng maraming estudyente na mahilig sa Muaythai, Kickboxing, Boxing, Hand to Hand Combat, Karatedo, Knife Fighting at Body Building dahil sa malinis na pasilidad, kumpleto ng kagamitan, magagaling at disiplinadong mga instructors.