NCAA ACCEL Player of the Week si Mabulac

MANILA, Philippines – Nagising na ang higan­te ng host Jose Rizal University Heavy Bombers para tumindi ang kanilang laban sa unang dalawang pu­westo sa 90th NCAA men’s basketball.

Ang 6-foot-4 na si Michael Mabulac ay naghatid ng mga solidong numero sa hu­ling dalawang laro na kanilang naipanalo para makasalo ng JRU ang Arellano Chiefs sa panga­lawang puwesto bitbit ang magkatulad na 9-4 karta.

Dahil sa pagpapasikat, si Mabulac ang ginawaran ng NCAA Press Corps bi­lang ACCEL Quantum-3XVI Player of the Week katuwang ang Bactigel hand sanitizer, Doctor J Migh­ty Alcohol at Mighty Mom Dishwashing.

Tumipak ang starting center ng Heavy Bom­bers ng 13 points at 10 rebounds sa 67-43 panalo laban sa Lyceum Pirates.

Kontra sa Perpetual Help Altas ay itinaas pa ni Ma­bulac ang naipakita sa ki­namadang 21 mar­kers bu­kod sa  8 rebounds tungo sa 80-76 overtime win na nagbigay-daan para umangat na ang koponan sa pakikisalo sa ikalawang puwesto.

“Med­yo hindi naging maganda ang first round niya pero bu­mabalik na ang kanyang dating laro para matulu­ngan niya kami sa second round,” wika  ni JRU head coach Vergel Meneses.

Show comments