Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
12 nn St. Benilde vs Arellano (Jrs)
2:30 p.m. St. Benilde vs Arellano (Srs)
MANILA, Philippines – Nakitaan ng katatagan ang host Jose Rizal University Heavy Bombers sa eksplosibong laro sa overtime ni Earl Scottie Thompson para maitakas ang 80-76 overtime panalo sa Perpetual Help Altas sa 90th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Naghatid ng pitong puntos sa extra period si Jaycee Asuncion, tampok ang dalawang free throws sa huling tatlong segundo na nagpalawig sa apat na abante ng Bombers upang kunin ang ikatlong puwesto sa 9-4 karta.
Naihirit ang overtime nang naipasok ni Philip Paniamogan ang krusyal na tres para sa 63-all iskor.
Bumaba ang Altas sa 8-5 baraha upang makasalo ang St. Benilde Blazers sa ikaapat at limang puwesto at nasayang ang 26 puntos, 13 rebounds at 5 assists ni Thompson.
Inako ng nangunguna sa MVP race ang lahat ng 13 puntos sa overtime ng Altas at ang huling buslo ay naglapit sa isa sa koponan, 76-77.
Matapos ang split ni Abdul Wahab, sumablay sa sana’y panablang tres si Ric Gallardo. Nasundan pa ito ng backing violation ni Gabriel Dagangon na tumapos sa laban ng Altas.
Sa unang laro, nag-init ang Mapua Cardinals sa second half para pabagsakin ang Lyceum Pirates, 76-65.
Tig-17 puntos ang ginawa nina Carlos Isit at Leo Gabo habang may 12 at 11 puntos sina Joseph Eriobu Jr. at Exeqiel Biteng at ang Cardinals ay nakapagtala ng magkasunod na panalo na huling nangyari noon pang 2012 season.
May 3-10 karta na ang Mapua para lampasan ang dalawang panalo na nailista ng koponan sa Season 89.
Si Guy Mbida ay may 13 puntos para sa Pirates na lumasap ng ikawalong pagkatalo sa 13 laro para mangulimlim ang paghahabol ng puwesto sa Final Four.(ATan/MM-tarinee)
MIT 76 – Isit 17, Gabo 17, Eriobu 12, Biteng 11, Cantos 8, Estrella 7, Saitanan 4.
LPU 65--Mbida 13, Maconocido 12, Gabayni 9, Zamora 9, Soliman 8, Bulawan 6, Taladua 5, Malabanan 2, Lesmoras 1, Elmejrab 0.
Quarterscores: 15-15, 29-29, 54-49, 76-65
Jose Rizal 80--Paniamogan 22, Mabulac 21, Ascuncion 16, Sanchez 7, Lasquety 4, Balagtas 4, Abdulwahab 3, Teodoro 2, Grospe 1, Benavides 0
Perpetual 76--Thompson 26, Baloria 21, Alano 15, Arboleda 7, Dagangon 7, Oliveria 0, Dizon 0, Ylagan 0, Tamayo 0, Bantayan 0.
Quarterscores: 19-16; 39-34; 51-50; 63-63 (Reg.); 80-76 (OT).