Isyu sa Rain or Shine dadalhin ni Lee sa Asiad

SEVILLE, Spain--Nagwakas na ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup, ngunit wala pang katiyakan kung saang koponan maglalaro si Paul Lee.

Si Mamerto Mondragon, ang kinatawan ng Rain or Shine sa PBA board, ay nanood sa world meet ngunit hindi nagtangkang kausapin si Lee kahit na nagtapos na ang kontrata nito noong Agosto 31.

“The marching order from the team owners (Raymond Yu and Terry Que) is not  to talk to Paul. Let Paul concentrate with Gilas first,” sabi ni Mondragon.

“At saka hindi naman kami ang nag-umpisa niyan,” dagdag pa nito.

Ang isa niyang Gilas teammate ay nag-aalala sa estado ni Lee.

“Syempre medyo magulo ang isip. He’s playing without a playing contract now. What if he gets injured?” wika ng Gilas player.

Bago magsimula ang World Cup ay tinawagan ni Lee si Rain or Shine coach Yeng Guiao at nagtanong kung maaari siyang lumipat ng koponan.

Sinasabing inalok ng isang kinatawan ng koponan ang kampo ni Lee.

 Iginiit naman ng mga opisyales ng San Miguel Corp. at ng MVP Group na hindi sila ang lumapit kay Lee.

Sumabak si Lee sa world meet na walang guaranteed contract mula sa Elasto Painters.

Maaaring madala ni Lee ang isyu hanggang sa In­cheon, Korea kung saan sasabak ang Gilas Pilipinas sa Asian Games.

 

Show comments