Lions bumawi sa Blazers
Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
12 nn. Arellano vs Perpetual (Jrs/Srs)
4 p.m. Jose Rizal vs Lyceum (Srs/jJs)
MANILA, Philippines - Laro ng isang four-time defending champion ang inilabas ng San Beda Red Lions tungo sa 78-54 paggapi sa St. Benilde Blazers sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Si Ola Adeogun ay gumawa ng kanyang season-high 28 puntos bukod sa 16 rebounds at dalawang blocks habang sina Baser Amer Von Adam Abatayo ay kumunekta sa three-point line para solohin uli ng Lions ang liderato sa 10-2 karta.
Ang panalo ay pambawi rin ng tropa ni coach Boyet Fernandez matapos ipalasap ng Blazers ang unang kabiguan sa 76-83 iskor,
“Ola provided us with the inside points. But overall, it was our good defense and the players trusting the system,” wika ni Fernandez.
Dikitan ang labanan sa first half at ang Blazers ang nakalamang matapos ang unang yugto, 16-9, pero nanalasa si Adeogun sa ikalawang yugto para hawakan ng Lions ang 26-21 bentahe.
Sa ikatlong yugto tuluyang iniwanan ng San Beda ang St. Benilde dahil na rin sa pag-iinit ni Amer na ang magkasunod na tres ang nagtakda sa 46-23 kalamangan.
May tatlong tres pa si Abatayo para hindi na pabangunin ng Lions ang Blazers na naalis sa pagkakasalo sa ikatlong yugto at ngayon ay nasa ikalimang spot sa 7-5 baraha.
May siyam na puntos pa si Abatayo upang tumatag pa ang opensa ng Lions. (ATan)
San Beda 78-- Adeogun 28, Amer 13, Koga 9, Abatayo 9, Dela Cruz 6, Sara 5, Mendoza 4, A. Semerad 2, Mocon 2, D. Semerad 0, Pascual 0.
CSB 54-- Taha 12, Grey 10, Saavedra 9, Sinco 7, Bartolo 6, Romero 5, Nayve 3, Ongteco 2, Jonson 0, Pajarillaga 0, Altamirano 0.
Quarterscores: 9-16, 26-21, 53-34, 78-54.
- Latest