Takbo sa tag-ulan iniurong sa Sept. 13

MANILA, Philippines - Para mabigyan ng sapat na panahon ang mga gustong lumahok ay inilipat sa Setyembre 13 ang pagpapakawala ng 2-in-1 footrace  sa Quezon Memorial Circle, Elliptical Road sa Quezon City.

Ang event ay naglala­yong makatulong sa mga batang kalsadang may sakit, kasama na ang pag-dialysis ng isang print media advocate.

May may temang  “Tayo na, Takbo Tayo, mag-ehersisyo habang umuulan”, ito ay tatampukan ng 10-km at 5-km events.

Ang registration fee sa 5-km. ay P550 at P600 sa 10-km na may isang libreng pantakbo ang 10 katao o tropang magpapatala na may kasama ring singlet at freebies.

May diskuwento ang mga  Senior Citizen at  mag-aaral na magpapatala sa sa halagang P400 na lang bilang butaw kung magpapakita ng mga opis­yal na school I.D.at Sr. Citizen cards.

Para sa iba pang detal­ye ay maaaring tumawag  sa cellphone na 0930-2550776 / 0932-3971285 o mag-email sa rnmcony@yahoo.com.ph.

Show comments