^

PSN Palaro

St. Clare, CEU patuloy ang pananalasa sa NAASCU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinalo ng host Saint Cla­re College of Caloocan at Centro Escolar University ang mga nakalaban para manatiling nasa unang dal­awang puwesto  sa 14th NAASCU basketball noong Linggo sa RTU Gym.

May 17 puntos si  Jonathan Ibarra, 10 sa ikatlong yugto, habang si Jayson Ibay ay naghatid ng 16 puntos para sa Saints sa 74-65 panalo sa Our Lady of Fatima University para sa ikalimang sunod na panalo matapos mabigo sa Scorpions sa unang laro.

Nanguna para sa Phoe­nix si JJ Mallari sa kanyang 18 puntos.

Dinurog naman ng nagdedepensang kampeon CEU ang RTU Blue Thunder, 86-60, matapos mag-init sa three-point line sa kabuuan ng laro.

Sina Samboy de Leon ay may limang 3-pointer tungo sa 17 puntos habang si Alvin Abundo ay may tatlo para tumapos sa 15 puntos para sa CEU na nangunguna pa rin sa liga.

Nanguna si Sandy Cenal para sa Blue Thunder sa kanyang 14 puntos.

Pinagpahinga na ng City University of Pasay Eagles ang Philippine Christian University Dolphins sa second round sa 86-66 panalo.

Umakyat ang Eagles sa 2-4 baraha habang ikaanim na sunod na kabiguan ang nalasap ng Dolphins.

ALVIN ABUNDO

BLUE THUNDER

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CITY UNIVERSITY OF PASAY EAGLES

COLLEGE OF CALOOCAN

JAYSON IBAY

JONATHAN IBARRA

NANGUNA

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with