3 SMART jins sisipa sa World Grand Prix tourney

MANILA, Philippines - Tatlong Filipino jins ang lalahok sa World Taekwondo Grand Prix sa Astana, Kazakhstan mula Agosto 29 hang­gang 31.

Ang mga ipadadala ng Pilipinas na makikilala rin bilang SMART Taekwondo Team ay sina John Paul Lizardo, Christian Al Dela Cruz at Kirstie Elaine Alora.

Si Lizardo ay kakampanya sa men’s minus 58 kilogram, si Dela Cruz ay sa Men’s minus 80 kg at si Alora ay sa female minus 67 kg.

Ang kompetisyon ay isa sa mga serye ng qualifying tournaments para sa 2016 Olympics.

Tanging ang nangungunang 32 jins sa mundo kada dibisyon base sa huling World Taekwondo Federation ranking ang imbitado para makasali sa kompetisyon.

Naniniwala naman si PTA officer-in-charge Hong Sung Chon na magbibigay ng magandang laban ang tatlong jins lalo pa’t suportado ang mga ito ng MVP Sports Foundation, Smart Communications Inc., PLDT, TV5 at Philippine Sports Commission (PSC).

Show comments